Friday, January 25, 2008

MY REACTION

  • ANNABEL LEE

Ang tulang ito na isinulat ni Edgar Allan Poe ay binubuo ng anim na saknong na may animang taludtod o higit pa.

Sa tulang ito, ang may akda ay nagkukwento tungkol sa kanyang kinahantungan sa pag-ibig. Ang nagsasalita sa tula ay isang babae. Sa una ay nagkakilala sila at hindi naglaon ay nagkaibigan.pero may isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa na siyang naging daan upang sila ay magkahiwalay. Ang babae ay namatay, ngunit dahil na rin sa kanyang matinding pagmamahal sa babae ay nanatili pa rin ang kanyang pag-ibig sa babae.Siya ay nanatili sa kanilang tagpuan upang hintayin ang magandang si Annabel Lee.

Ang tulang ito ay isang mapakapagdamdamin at napakagandang tula, dahil na rin sa mga tauhan at kung papaano ito pinagalaw ng may-akda. Para sa akin ang tulang ito ay ang pinakamaganda para sa akin sa tatlo.

  • THE LOOK

Ang tulang ito na isinulat ni Sarah Teasdale ay isang maikling tula na binubuo ng dalawang saknong lamang at may apatang taludtod.

Ang tulang ito ay tungkol din sa pag-ibig. Ito ay ang pag-ibig ng isang babae sa isang lalaki.kung ito ay babasahin mo parang ang babae ay namimili sa tatlong lalaki. una ay si Strephon, pangalawa si Robin Ta ang huli ay si Colin. Si Colin ayon sa Tula Ang siyang nagugustuhan ng babae, dahil si Colin ay iba sa dalawa.Ang tingin ni Colin ang siyang hinahanap ng babae.

Ang tulang ito ay isang makahulugang tula. Kung ako ang tatanungin hindi ko talaga masabi ang talagang gustong sabihin ng tula. Maaari kasing ang lalaking si Colin ay hindi talaga niya kilala ng personal o hindi siya binibigyan ng pansin hindi tulad ng dalawang lalaki. Para sa kabuuan, maganda ang pagkakagawa ng tula.

  • THE NYMPH'S REPLY TO HIS LOVE

Ang tulang ito na isinulat ni Sir Walter Raleigh ay may anim na saknong na may limahang taludtod at may tugmaan sa bawat hulihan ng taludtod.

Ang tulang ito ay ang siyang kasagutan o ang tugon sa tulang ' The Passionate Shepherd to His Love'. Sa pagkakataon na ito ang tula ay naglalaman ng mga bagay -bagay na may kinalaman sa naunang tula.Sa pahayag nito parang hindi pa naniniwala ang sinusuyo, dahil na rin sa isa nitong sinabi na may kinalaman sa oras o panahon. Sabi nito na lahat ng sinabi ng nanunuyo na magaganda ay maaaring mawala o hindi nagtatagal, kung baga puro kaligayahan lang anng kanyang sinabi. Hindi nito man lang nasabi ang tungkol sa maaaring mangyari kung nagkaroon sila ng problema, dahil darating di ang oras na magkakaroon sila ng pagsubok, mananatili pa kaya ang pag-ibig?

Para naman sa tulang ito, maganda ang pagkakatugon nito sa tulang' The Passionate Shepherd To His Love'. Marami pa ang gustong patunayan ng sinusuyo. hindi pa siya kontento sa mga pahayag ng nasabing tula.Magaling ang pagkakasulat dahil naidetalye nito ang mga negatibong maaaring mangyari sa kanila.

  • THE PASSIONATE SHEPHERD TO HIS LOVE

Ang tulang ito ay binubuo ng limang saknong at may tiga-apat na taludtod. Mayroon din itong tugmaan sa bawat hulihan ng taludtod.

'The Passionate Shepherd to His Love' ay isang tula ng isang mangingibig para sa kanyang nagugustuhan. maaaring ito ay isang paraan upang mailabas niya ang kanyang damdamin at upang mapasagot niya ang kanyang nagugustuhan. ang nilalaman nito ay ang mga nais niayng magawa o maibigay sa kanyang minamahal. Ang mga bagay- bagay na ito ay halos nagsasabi kung gaano niya ito kamahal at puls nagsasaad ng kaligayahan na maibibigay nito sa hinahandugan niya ng pagmamahal.

Maganda ang pagkakasulat ng tula, dahil madadama mo ang masidhing pagkagusto ng may-akda sa para sa kanyang minamahal. Ang bawat magagandang mensahe nito ay mas laolo panng nagpapakinang ng tula.